It all started on Saturday evening. Bumili kasi kami ng bag para kay baby yung sinusuot sa body ng nanay or tatay.
Then Sunday dawn akala ko nasasamid lang sya so hindi ko yun pinansin yun pala bronchitis na. Nagpacheck up kami nong Tuesday then bumalik kami ng Friday - walang improvement daw kaya naadmit na si baby baka mauwi pa raw sa pneumonia. Tas ayon nakakaawa pag umuubo si Nathan, hirap syang huminga.
Nasa ward kami pero aircon naman, madami kaming kasamang babies na puro ubo din ang sakit (nakakaawa).
Si baby naman ang sarap ng tulog palagi. Feeling ko gustong-gusto nya sa aircon room. Bumili ka na nga daddy ng aircon para di na naaadmit si baby, gusto lang ata sa malamig ee. Hindi kami makatulog ng maayos sa pagbabantay.
Monday discharged na kami pero wala kaming pambayad, but God is so good and mighty talaga. He used someone to pay the bill. Thank you Lord and thank you rin sa taong ginamit mo. シ
Tuloy pa rin ang paggamot ni baby. Pag-uwi namin sa bahay nagstart nang magsmile at makipag-usap sakin ang batang makulit. Hehe kaso iyak na nang iyak. Gusto palaging karga. Hays..
Late blog. Ee kasi naman noh busy ako sa pagbabantay kay baby Nathan. c:
No comments:
Post a Comment